Pag-alala sa mga Bayaning Tausug ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani

 صلاة الأبطال: على النبي ﷺ وعلى المجاهدين والأولياء في صُولُو

(Salawāt upon the Heroes: Upon the Prophet ﷺ and the Mujāhidīn and Awliyāʾ of Sulu)

اللَّهُمَّ صَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى سَيِّدِنَا وَمَوْلَانَا مُحَمَّدٍ، النَّبِيِّ الْكَرِيمِ، وَالرَّسُولِ الْعَظِيمِ، مِفْتَاحِ بَابِ رَحْمَتِكَ، وَخَاتَمِ دَائِرَةِ نُبُوَّتِكَ، وَشَفِيعِ الْأُمَّةِ يَوْمَ الْحَسْرَةِ، وَعَلَى آلِهِ وَصَحْبِهِ أَجْمَعِينَ، وَصَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى أَرْوَاحِ الْمُجَاهِدِينَ وَالْأَبْطَالِ مِنْ أَهْلِ سُولُو وَالتَّوْسُوغْ الَّذِينَ دَفَعُوا عَنْ دِينِكَ وَحَمَلُوا رَايَةَ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ فَمِنْهُمْ مَنْ قَضَى نَحْبَهُ وَمِنْهُمْ مَنْ يَنْتَظِرُ وَمَا بَدَّلُوا تَبْدِيلًا، وَاجْمَعْنَا بِهِمْ فِي دَرَجَاتِ الْمُجَاهِدِينَ وَأَكْرِمْهُمْ فِي الْبَرْزَخِ وَالْآخِرَةِ وَارْفَعْ ذِكْرَهُمُ الْخَفِيَّ وَالْمَطْوِيَّ وَاجْعَلْ أَجْرَهُمْ دَائِمًا إِلَى يَوْمِ الدِّينِ، وَصَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى كُلِّ وَلِيٍّ وَعَارِفٍ بِاللَّهِ فِي الْفِلِيبِّينْ خَاصَّةً فِي بِلَادِ الْعَارِفْ بِاللَّهِ سُولُو الَّذِينَ نَشَرُوا نُورَ التَّوْحِيدِ وَأَقَامُوا سُنَّةَ الْحَبِيبِ الْمُصْطَفَى ﷺ وَحَفِظُوا أَهْلَ الْإِيمَانِ فِي زَمَنِ الْفِتَنِ وَالِابْتِلَاءَاتِ، وَاجْعَلْنَا فِي سِلْسِلَتِهِمْ وَأَلْحِقْنَا بِهِمْ مَعَ الْأَصْفِيَاءِ وَالْمُقَرَّبِينَ وَارْزُقْنَا صِدْقَ الْجِهَادِ وَصِدْقَ الْعُبُودِيَّةِ، وَصَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَيْهِمْ وَعَلَى كُلِّ مَنْ سَيَكُونُ بَعْدَهُمْ مِنْ أَبْطَالٍ وَمُجَاهِدِينَ وَأَوْلِيَاءَكَ الصَّالِحِينَ إِلَى يَوْمِ الْقِيَامَةِ، وَصَلِّ اللَّهُمَّ وَسَلِّمْ عَلَى سَيِّدِنَا مُحَمَّدٍ النُّورِ الْمُطْلَقِ وَسِرِّ السَّارِي فِي كُلِّ الْخَلَائِقِ وَعَلَى آلِهِ وَصَحْبِهِ أَجْمَعِينَ عَدَدَ مَا أَحَاطَ بِهِ عِلْمُكَ وَجَرَى بِهِ قَلَمُكَ إِلَى يَوْمِ الدِّينِ.

Allāhumma ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā Sayyidinā wa Mawlānā Muḥammad, an-nabiyyi ’l-karīm, wa ’r-rasūli ’l-ʿaẓīm, miftāḥi bābi raḥmatik, wa khātami dāʾirati nubuwwatik, wa shafīʿi ’l-ummah yawma ’l-ḥasrah, wa ʿalā ālihi wa ṣaḥbihi ajmaʿīn. Allāhumma ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā arwāḥi ’l-mujāhidīn wa ’l-abṭāl min ahl Sūlū wa ’t-Tawsūg, alla dhīna dafaʿū ʿan dīnik, wa ḥamalū rāyata lā ilāha illā Allāh, faminhum man qaḍā naḥbahu wa minhum man yantaẓir, wa mā baddalū tabdīlā, wajmaʿnā bihim fī darajāti ’l-mujāhidīn, wa akrimhum fī ’l-barzakh wa ’l-ākhirah, warfaʿ dhikrahum al-khafiyya wa ’l-maṭwiyya, wajʿal ajrahum dāʾiman ilā yawmi ’d-dīn.

Allāhumma ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā kulli walīyyin wa ʿārifin billāh fī ’l-Filipīn, khāṣṣatan fī bilādi ’l-ʿārif billāh Sūlū, alla dhīna nasharū nūra ’t-tawḥīd, wa aqāmū sunnata ’l-ḥabīb al-muṣṭafā ṣallallāhu ʿalayhi wa sallam, wa ḥafiẓū ahla ’l-īmān fī zamāni ’l-fitan wa ’l-ibtīlāʾāt. Allāhumma ’jʿalnā fī silsilatihim, wa alḥiqnā bihim maʿa ’l-aṣfiyāʾ wa ’l-muqarrabīn, wa ’rzuqnā ṣidqa ’l-jihād wa ṣidqa ’l-ʿubūdiyyah.

Allāhumma ṣalli wa sallim wa bārik ʿalayhim wa ʿalā kulli man sayakūnu baʿdahum min abṭāl wa mujāhidīn wa awliyāʾika ’ṣ-ṣāliḥīn ilā yawmi ’l-qiyāmah, wa ṣalli ’llāhumma wa sallim ʿalā Sayyidinā Muḥammadin an-nūri ’l-muṭlaq, wa ’s-sirri ’s-sārī fī kulli ’l-khalāʾiq, wa ʿalā ālihi wa ṣaḥbihi ajmaʿīn, ʿadada mā aḥāṭa bihi ʿilmuk, wa jarā bihi qalamuk, ilā yawmi ’d-dīn.

Translation:

O Allah, nawa’y bigyan Mo ng Iyong mga biyaya, kapayapaan, at pagpapala sa aming Ginoo at Pinuno na si Muhammad, ang marangal na Propeta, ang dakilang Sugo, ang susi sa pintuan ng Iyong Awa, ang tatak ng bilog ng Iyong Pagkapropeta, at ang tagapamagitan ng Ummah sa Araw ng Matinding Pighati, gayundin sa kanyang pamilya at lahat ng kanyang mga kasamahan.

O Allah, , nawa’y bigyan Mo ng mga biyaya, kapayapaan, at pagpapala sa mga kaluluwa ng mga mujahidin at bayani mula sa mga tao ng Sulu at ng mga Tausug, yaong mga nagtanggol sa Iyong relihiyon at nagdala ng watawat ng “Lā ilāha illā Allāh.” Sa kanila ay may mga tumupad na sa kanilang tipan, at mayroon ding naghihintay pa, at hindi sila nanghina sa kanilang paninindigan. Pagsamahin Mo kami kasama nila sa hanay ng mga mujahidin, parangalan Mo sila sa barzakh at sa Kabilang Buhay, itaas Mo ang kanilang pangalan na natabunan at nakalimutan, at gawin Mong walang hanggan ang kanilang gantimpala hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

O Allah, nawa’y bigyan Mo ng mga biyaya, kapayapaan, at pagpapala sa bawat wali (Kaibigan o Mahal ng Allah) at ʿārif billāh (nakakakilala sa Diyos) sa Pilipinas, lalo na sa lupain ng mga nakakakilala sa Diyos ang Sulu, yaong mga nagpalaganap ng liwanag ng tawḥīd, nagpangibabaw ng Sunnah ng Minamahal na Mustafa ﷺ, at nagbantay sa mga taong may pananampalataya sa mga panahon ng pagsubok at kapighatian. O Allah, gawin Mo kaming kabilang sa kanilang kadena, isama Mo kami sa kanila kasama ng mga dalisay at malalapit sa Iyo, at pagkalooban Mo kami ng katapatan sa jihād at katapatan sa pagkaalipin sa Iyo.

O Allah, nawa’y bigyan Mo ng mga biyaya, kapayapaan, at pagpapala sa kanila at sa lahat ng susunod pa pagkatapos nila mula sa mga bayani, mujahidin, at Iyong mga matutuwid na awliyāʾ hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli. At O Allah, nawa’y bigyan Mo ng mga biyaya at kapayapaan sa aming Ginoo Muhammad, ang Lubos na Liwanag, ang lihim na dumadaloy sa lahat ng nilikha, at sa kanyang pamilya at mga kasamahan, kasindami ng saklaw ng Iyong Kaalaman at ng isinulat ng Iyong Panulat, hanggang sa Araw ng Paghuhukom.


Habang pinararangalan ng bansa ang mga bayani ngayong Agosto 25, nararapat ding gunitain ang mga pinunong Tausug na nagdala sa Sulu sa gitna ng pinakamahirap na panahon nito. Sina Panglima Bandahala, Maharaja Bairulla, at Panglima Hassan ay namukod-tangi sa kani-kanilang paraan. Ang kanilang buhay ay kwento ng tapang, diplomasya, at pamumuno sa harap ng dayuhan.

Maharaja Bairulla
Inilarawan ni Najeeb Saleeby (1908) si Maharaja Bairulla bilang “isa sa pinakamatalino at pinakamabuting pinuno ng Sulu” (p. 131). Pinamunuan niya ang matabang lupa sa paligid ng Kambing malapit sa Tu’tu’ Bay, kung saan ang bukirin ay kabilang sa pinakamainam sa buong isla. Ang kanyang reputasyon ay nakabatay sa kasaganaan at mahusay na pamamahala, hindi sa alamat. Pinuri rin siya ng mga opisyal na Amerikano bilang isang matatag at palakaibigang pinuno, iginagalang kahit ng mga ipinadala upang sakupin ang Sulu (Report of the United States Philippine Commission, 1904, p. 501).

Panglima Bandahala
Madalas lumitaw ang pangalan ni Panglima Bandahala sa mga tala ng mga kolonyal. Nagsilbi siya bilang municipal president ng Luuk at Tandu at, noong 1924, lumagda sa isang petisyon kasama ang iba pang mga pinuno ng Sulu na humihiling ng kalayaan ng Pilipinas. Doon nila tinutulan ang paghihiwalay ng Sulu mula sa Luzon at Visayas, at nanindigan para sa isang nagkakaisang malayang bansa (United States Senate, Committee on Territories and Insular Affairs, 1930, pp. 526–528). Sa parehong pagdinig, binanggit siya bilang pangulo ng Look-Tando[Luuk-Tanduh] district na may 18,038 tagasunod at bilang beteranong mandirigma ng sultan (pp. 527–528).

Naitala rin sa mga opisyal na ulat ang kanyang impluwensya. Noong 1907, kinilala siya ng War Department bilang pinuno ng Karongdong[Karungdung] (p. 371). Noong 1920, sa pamamagitan ng kanyang panghihikayat, sumuko ng mapayapa ang grupo ni “Siu” sa Luuk matapos makipag-usap sa gobernador (Report of the Governor General, 1922, p. 66). Sa isang makabagong sanggunian mula Italya, buod siyang inilalarawan bilang pinuno ng hukbo ng sultan, municipal president, at emisaryo ng kapayapaan (Stato islamico, 2024).

Ayon din sa mga tala ng kasaysayan, noong Unang Labanan sa Bud Dajo, hiniling ng mga Amerikano kina Datu Jolkarnain, Datu Kalbi, at Panglima Bandahala ng Patikul na hikayatin ang mga mandirigmang Tausug na bumaba mula sa bundok, at nanatili ang tatlo sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi upang himukin ang kanilang kapwa mga datu at tagasunod na bumaba. Subalit ayon sa mga salaysay na naingatan sa pamilyang Caluang, nais ni Panglima Bandahala na manatili at lumaban kasama ng kanyang mga kapatid na Tausug, at bumaba lamang siya matapos siyang pakiusapan ng kanyang mga kasama na huwag nang magpaiwan, dahil sa labis na paggalang at pag-aalala nila para sa kanyang buhay.

Direkta ring humarap si Panglima Bandahala sa mga Amerikano. Noong 1939, iniulat ng Survey Graphic ang paglalakbay pangkapayapaan ni Mrs. Spencer sakay ng barkong Peril, kung saan tatlong prominenteng Moro: sina Maharaja Absara, Hadji Usman, at Panglima Bandahala ang sumama upang patunayan ang kanilang sinseridad (Survey Graphic, 1939, p. 510).

Nagpatuloy ang kanyang pamana sa kanyang anak na si Panglima Caluang. Noong 1937, nakalista siya bilang vice mayor ng Luuk, kasama si Ulangkaya Ladja bilang mayor (Sulu: In its true light, 1937, p. 72). Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, iniulat na nanatili si Panglima Caluang sa Luuk kasama ang mga sugatan matapos ang isang labanan-dagat sa Lugus (Velasquez, n.d., p. 26).

Ang angkang ito ay lalo pang lumakas sa pamamagitan ni Kapitan Kalingalan Caluang, anak ni Panglima Caluang at apo ni Panglima Bandahala. Isa siya sa “Fighting 21 of Sulu” noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos nito, siya ang nagsanay at nagluklok kay Sultan Jainal Abirin sa pamamagitan ng seremonyang giba. Nagpatuloy din siya sa laban para sa sariling pagpapasya ng mga Moro, itinatag niya at ng ibang mga pinuno ng Bangsamoro ang Ansarul Islam bago humiwalay ang Moro National Liberation Front sa pamumuno ni Nur Misuari. Isinama siya ng historyador na si Nasser Lucman (2000) sa mga unang tagapagtatag ng kilusang Islamic resistance sa Mindanao, kasama sina Sultan Rashid Lucman, Gen. Salipada Pendatun, Datu Udtog Matalam, Sheikh Hamid Kamilan, Datu Aminkadra Abubacar, at Sen. Domocao Alonto (pp. 158, 165).

Panglima Hassan
Inilarawan ng mga Amerikano si Panglima Hassan bilang pinakamalakas na pinuno sa Jolo, na kayang magtipon ng 500 armadong tauhan sa loob ng isang oras at marami pang iba sa pagtatapos ng araw, mula sa kanyang kuta malapit sa Seit Lake (Report of the United States Philippine Commission, 1904, p. 501). Ngunit higit pa siya sa isang mandirigma. Isinulat ni H. P. Hobbs (1962) na may mga kapanalig si Hassan, kabilang si Panglima Bandahala, na nagpapakita ng pabago-bagong ugnayan ng pulitikang Tausug sa ilalim ng presyon (p. 98). Kapag iniuugnay sa mga pangyayaring pangkapayapaan, makikita ang papel ni Bandahala sa pakikipagkasundo, paggamit ng lakas, at pagbubuo ng alyansa.

Buod ng Tala
Si Maharaja Bairulla ay namuno nang may karunungan at iginagalang ng parehong mga lokal at mga banyagang opisyal. Pinagsama ni Panglima Bandahala ang lakas-militar, pamamahala, at diplomasya: siya’y namuno sa mga bayan, namamagitan sa kapayapaan, lumagda ng mga petisyon para sa kalayaan, at nakipagharap sa mga Amerikano bilang isang pinuno at tagapamagitan. Si Panglima Hassan ang dakilang mandirigma ng kanyang panahon, madalas na kapanalig ni Panglima Bandahala. Ang kanilang mga inapo, gaya ni Kapitan Kalingalan Caluang, ay nagpatuloy ng laban hanggang ika-20 siglo. Bukod sa kanila, ang iba pang mga Bayaning Tausug ay sina Paduka Muhammad Saleh, Panglima Sayyadi, Datu Hadji Kamlon, Panglima Amil, Maas Jikiri, Laksamana Usab/Usap, Datu Andung, Datu Pala, Maharaja Andung, Datu Aceh, ang mga Shuhada (Martir) ng Bud Dajo at Bud Bagsak, Fighting 21 of Sulu, Ansarul Islam, MNLF, MILF, MNLF Field Marshal Al Hussein Caluang at iba pang mga di-kilalang bayani ng Tausug. Ang kanilang mga pangalan ay nagpapaalala sa atin na ang pamumunong Tausug ay pinagbalaan ng digmaan at pamamahala at kailanman ay hindi iniwan ang pagtatanggol sa kanilang bayan.

Duwaa for the Tausug Heroes

اللَّهُمَّ اغفِرْ لِمَهَراجَا بايرولا، وَبَندَهالا، وَحَسَّان، وَأحفادِهِم، وَالكابتن كاليغالان كالوانغ، وَجميع أبطَال التَّاوسُوغ، مِن بادوكا مُحَمَّد صالِح، وَبانغليما سَيَّادي، وَداتو حاجي كملون، وَبانغليما أميل، وَمَعَاس جِكِيري، وَلَكسَمانا أُسَاب، وَداتو أندونغ، وَداتو بالا، وَمَهَراجا أندونغ، وَداتو آتشيه، وَشُهَدَاء جَبَل بُد داجو وَجَبَل بُد بَقسق، وَالمُقاتلين الواحد والعشرين مِن سولو، وَأنصار الإسلام، وَجميع المُجاهِدين في م.ن.ل.ف وَم.ي.ل.ف، وَالمُشير الحُسَين كالوانغ ، وَكُل الأبطَال المَجهولين مِن أهل سولو.

اللَّهُمَّ اجعلْ قُبُورَهم روضةً من رياضِ الجِنَان، وَلَا تجعَل قُبُورَهم حُفرةً من حُفَرِ النِّيرَان. اللَّهُمَّ أنزِلِ الرَّحمةَ وَالشَّفاعةَ وَالمغفرةَ عَلَيهم أجمعين. اللَّهُمَّ اغفرْ لهم وارحمْهم، وَاعفُ عنهم ، وَأكرِم نُزُلَهم، وَوَسِّع مُدخَلَهم، وَاغسِلْهم بالماءِ وَالثَّلجِ وَالبَرد، وَنَقِّهِم مِن الخَطايا كما يُنقَّى الثَّوب الأبيض مِن الدَّنس. وَأبدِلهُم دارًا خيرًا مِن دارِهِم، وَأهلًا خيرًا مِن أهلِهِم، وَزوجًا خيرًا مِن زوجِهِم، وَقِهِم فتنةَ القبر وَعذابَ النَّار.

الفاتحة إِلَى حَضرةِ النَّبي مُحَمَّدٍ صلَّى الله عليه وسلَّم، ثُمَّ إِلَى جَميع إخوانِهِ مِن الأَنبِياءِ وَالمُرسَلين، وَآلِهِ وَأصحابِهِ وَأزواجِهِ وَذُرِّيَّاتِهِ وَأهلِ بيتِهِ أجمعين، وَالتَّابعين وَتابِع التَّابعين، وَالخُلفاء الرَّاشدين، وَالأئِمَّة المُجتهدين، وَالأَولياءِ وَالشُّهَدَاء وَالصَّالحين، وَالعُلَماء العامِلين، وَجميعِ مشايخِنا وَأساتذتِنا، وَجميعِ أبطال سولو، وَشُهَدَاء جَبَل داجو وَجَبَل بَقسق، وَجميعِ المُجاهِدين، ثُمَّ إِلَى جَميع أهلِ القُبور مِن المسلمين وَالمُسلمات وَالمؤمنين وَالمؤمنات مِن مشارق الأرض وَمغاربِها برِّها وَبحرِها.

Allāhumma ighfir li-Mahārājā Bayrullā, wa-Bandahālā, wa-Ḥassān, wa-aḥfādihim, wa-al-Kābtin Kālingalan Kalūang, wa-jamīʿ abṭāl at-Tausug, min Pādūka Muḥammad Ṣāliḥ, wa-Panglīmā Sayyādī, wa-Dātū Ḥājī Kamlūn, wa-Banglīmā Amīl, wa-Maʿās Jikīrī, wa-Laksamānā Usāb/Usap, wa-Dātū Andūng, wa-Dātū Pālā, wa-Mahārājā Andūng, wa-Dātū Āchih, wa-shuhadāʾ Jabal Dājū wa-Jabal Bagsak, wa-al-muqātilīn al-wāḥid wal-ʿishrīn min Sulū, wa-Anṣār al-Islām, wa-jamīʿ al-mujāhidīn fī MNLF wa-MILF, wa-al-Mushīr al-Ḥusayn Kalūgh, wa-kull al-abṭāl al-majhūlīn min ahl Sulū.

Allāhummajʿal qubūrahum rawḍatan min riyāḍ al-jinān, wa-lā tajʿal qubūrahum ḥufratan min ḥufar an-nīrān. Allāhumma anzil ar-raḥmata wash-shafāʿata wal-maghfirata ʿalayhim ajmaʿīn. Allāhumma ighfir lahum warḥamhum, waʿfu ʿanhum, wa-akrim nuzulahum, wa-wassiʿ mudkhalahum, waghsilhum bil-māʾi wath-thalji wal-barad, wa-naqqihim min al-khaṭāyā kamā yunaqqā ath-thawb al-abyaḍ min ad-danas. Wa-abdilhum dāran khayran min dārihim, wa-ʾahlan khayran min ahlihim, wa-zawjan khayran min zawjihim, wa-qihim fitnata al-qabr wa-ʿadhāb an-nār.

Al-Fātiḥa ilā ḥaḍratin-nabī Muḥammad ṣallallāhu ʿalayhi wa sallam, thumma ilā jamīʿ ikhuwānihi minal-anbiyāʾi wal-mursalīn, wa-ālihi wa-aṣḥābihi wa-azwājihi wa-dhurriyyatihi wa-ahl baytihi ajmaʿīn, wat-tābiʿīn wa-tābiʿit-tābiʿīn, wal-khulafāʾir-rāshidīn, wal-aʾimmah al-mujtahidīn, wal-awliyāʾi wash-shuhadāʾi waṣ-ṣāliḥīn, wal-ʿulamāʾil-ʿāmilīn, wa-jamīʿ mashāyikhinā wa-asātiḏatinā, wa-jamīʿ abṭāl Sulū, wa-shuhadāʾ Jabal Bud Dajo wa-Jabal Bud Bagsak, wa-jamīʿ al-mujāhidīn, thumma ilā jamīʿ ahlil-qubūr minal-muslimīn wal-muslimāt wal-muʾminīn wal-muʾmināt min mashāriqil-arḍi wa-maghāribihā barrihā wa-baḥrihā.

Translation

O Allah, patawarin Mo si Maharaja Bairulla, Bandahala, Hassan, ang kanilang mga inapo, si Kapitan Kālingalan Kaluang, at lahat ng mga bayani ng Tausug: si Paduka Muhammad Saleh, Panglima Sayyadi, Datu Hadji Kamlon, Panglima Amil, Maas Jikiri, Laksamana Usab/Usap, Datu Andung, Datu Pala, Maharaja Andung, Datu Aceh, ang mga martir ng Bundok Bud Dajo at Bundok Bud Bagsak, ang Mandirigmang Dalawampu’t Isa ng Sulu, Ansarul Islam, lahat ng mujahidin ng MNLF at MILF, si Field Marshal Al Hussein Kaluang, at lahat ng di-kilalang mga bayani ng sambayanang Tausug.

O Allah, gawin Mo nawa ang kanilang mga libingan bilang mga hardin mula sa mga hardin ng Paraiso, at huwag Mong gawin itong hukay mula sa mga hukay ng Apoy. O Allah, ipadala Mo ang Iyong awa, pamamagitan, at kapatawaran sa kanilang lahat. O Allah, patawarin Mo sila, kaawaan Mo sila, ipagpaumanhin Mo sila,. Parangalan Mo ang kanilang himlayan, palawakin Mo ang kanilang pintuan, hugasan Mo sila ng tubig, yelo, at graniso, at linisin Mo sila sa mga kasalanan gaya ng paglilinis sa isang puting kasuotan mula sa dumi. Palitan Mo ang kanilang mga tahanan ng mas mabuting tahanan, ang kanilang mga pamilya ng mas mabuting pamilya, at ang kanilang mga kabiyak ng mas mabuting kabiyak. Ingatan Mo sila mula sa pagsubok ng libingan at sa parusa ng Apoy.

Al-Fātiḥa para sa presensya ng Propeta Muhammad (sallallāhu ʿalayhi wa sallam), pagkatapos para sa lahat ng kanyang mga kapatid mula sa mga propeta at sugo, sa kanyang pamilya, mga kasamahan, mga asawa, mga inapo, at lahat ng kanyang sambahayan, sa mga Tabi‘īn at mga Tabi‘ al-Tabi‘īn, sa mga Matuwid na Khalifa, sa mga dakilang Imam, sa mga awliyā, mga martir, mga matuwid, sa mga ‘ulamā na isinabuhay ang kanilang kaalaman, sa lahat ng aming mga guro at shaykh, sa lahat ng bayani ng Sulu, sa mga martir ng Bundok Dajo at Bundok Bagsak, sa lahat ng mujahidin, at para sa lahat ng mga nakalibing mula sa mga Muslim at Muslimah, mga mananampalataya na lalaki at babae, mula silangan hanggang kanluran ng mundo, sa lupa at sa dagat.

* (MNLF = م.ن.ل.ف ; MILF = م.ي.ل.ف).
الجبهة الوطنية لتحرير مورو (al-Jabha al-Waṭaniyya li-Taḥrīr Mūrō) = MNLF (Moro National Liberation Front)
الجبهة الإسلامية لتحرير مورو (al-Jabha al-Islāmiyya li-Taḥrīr Mūrō) = MILF (Moro Islamic Liberation Front)

Mga Sanggunian:

References

Hobbs, H. P. (1962). Kris and krag: Adventures among the Moros of the southern Philippine Islands. Hobbs. https://books.google.com.ph/books/about/Kris_and_Krag.html?id=R4WBksrKgdUC&redir_esc=y

Lucman, N. A. (2000). Moro archives: A history of armed conflicts in Mindanao and East Asia. FLC Press. https://www.google.com.ph/books/edition/Moro_Archives/IplyAAAAMAAJ?hl=en&gbpv=0&bsq=kaluang

Report of the Governor General of the Philippine Islands. (1922). Report of the Governor General of the Philippine Islands. U.S. Government Printing Office. https://www.google.com.ph/books/edition/Report_of_the_Governor_General_of_the_Ph/TdYtAAAAIAAJ?hl=en&gbpv=0&bsq=panglima%20bandahala%20sulu

Report of the United States Philippine Commission. (1904). Report of the United States Philippine Commission. U.S. Government Printing Office. https://www.google.com.ph/books/edition/Report_of_the_United_States_Philippine_C/uBhCAQAAMAAJ?hl=en&gbpv=0

Saleeby, N. M. (1908). The history of Sulu. Bureau of Insular Affairs. Project Gutenberg eBook #41771. https://www.gutenberg.org/cache/epub/41771/pg41771-images.html

Stato islamico: Esplorare la governance e l’ideologia nelle teocrazie moderne. (2024). Un Miliardo Di Ben Informato. https://www.google.com.ph/books/edition/Stato_islamico/vYEfEQAAQBAJ?hl=en&gbpv=0

Sulu: In its true light, a souvenir. (1937). San Juan Press. https://www.google.com.ph/books/edition/Sulu/-3-uPbR_mgUC?hl=en&gbpv=0&bsq=panglima%20bandahala%20sulu

Survey Graphic. (1939). Survey Graphic. Survey Associates. https://www.google.com.ph/books/edition/Survey_Graphic/xZQqAAAAMAAJ?hl=en&gbpv=0&bsq=panglima%20bandahala%20sulu

United States Senate, Committee on Territories and Insular Affairs. (1930). Independence for the Philippine Islands: Hearings before the Committee on Territories and Insular Affairs, United States Senate. U.S. Government Printing Office. https://www.google.com.ph/books/edition/Independence_for_the_Philippine_Islands/g0nQfUAYEEYC?hl=en&gbpv=0

United States War Department. (1907). Annual reports of the War Department. U.S. Government Printing Office. https://www.google.com.ph/books/edition/Annual_Reports_of_the_War_Department/aszl8Dg9MUgC?hl=en&gbpv=1&dq=bandahala&pg=PA371&printsec=frontcover

Velasquez, M. A. (n.d.). History of the Sulu Area Command. Internet Archive. https://archive.org/details/sulu-area-command/page/26/mode/2up

Comments

Popular posts from this blog

The Tradition of Giba: A Legacy of Leadership and Valor

Panglima Bandahala: Isang Mahalagang Tao sa Kasaysayan ng Sulu

Panglima Bandahala: A Pivotal Figure in Sulu’s History